-- Advertisements --
anthony davis lebron james Lakers
Lakers power duo LeBron and AD (photo @Lakers)

Sangkaterbang sablay at kakulangan sa “execution” ang nagpatalo umano sa Los Angeles Lakers sa Miami Heat sa Game 3 ng NBA Finals, 115-104.

Sinasabing umabot sa 20 turnovers ang kamalian ng Lakers na nagdulot ng 21 puntos ng Heat.

Kabilang na rito ang dalawang travelling violations ni James kung saan umabot lahat sa walo ang kanyang turnovers na pinakamarami sa koponan.

Nagpadagdag pa sa kamalasan ng team ang apat na fouls na dala ni Davis kaya maaga itong inilabas sa court. Kabuuang limang turnover ang nailista ni AD.

Ang panandaliang kawalan nina James sa court at ni Davis ang kabilang sa sinamantala ng Miami upang makaisa ng panalo.

Aminado si Lakers coach Frank Vogel, na may ilang mali sa execution ang kanyang mga bata.

Ang pangyayari aniya kay Davis ay maliit lamang na factor sa kanilang “offensive rhythm.”

Paliwanag naman ni Davis, may ilang mali sa kanyang nagawang “offensive fouls” at “miscommunications” sa mga pasa ng bola.

Gayunman tiniyak ni Davis na walang dapat ikabahala ang mga fans dahil babawi sila.

Umabot lamang sa siyam na tira ang nagawa ni Davis para sa kabuuang 15 points na malayo sa performance niya sa Game 1 at Game 2 kung saan umiskor siya ng 34 at 32.

Si James na nagtala ng 25 points, 10 rebounds at eight assists ay inako naman ang responsibilidad.

“I take full responsibility for that,” pag-amin pa ni James.

Next time around daw sa Game 4 lalo nilang pagbubutihin ang pagdepensa sa bola.