-- Advertisements --
Tuluyan nang tinanggal ang lahat ng signal warnings ng Pagasa, kaugnay ng bagyong Ulysses.
Ngayong araw kasi ang inaasahang paglabas nito sa Philippine area of responsibility (PAR).
Ayon sa ulat ng weather bureau, huling namataan ang sentro ng naturang sama ng panahon sa layong 415 km sa kanluran ng Iba, Zambales.
Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 20 kph.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 110 kph at may pagbugsong 135 kph.