Patuloy na bumubuti na ang lagay ng kalusugan ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan matapos na ito ay dinala sa Philippine National Police General Hospital sa Camp,Crame.
Ayon kay PNP-Health Service Director Brig. General Portia Manalad, na binigyan ang dating kalihim ng anti-hypertensive medication at gumaganda na rin ang kondisyon ng kaniyang kalusugan.
Kapag nabigyan na ito ng clearance mula sa mga doktor niya at sa pamamagitan na rin ng hiling Criminal Investigation and Detection Group ay agad ito ng mailalabas sa pagamutan.
Magugunitang nitong araw ng Lunes ng ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pag-aresto kay Bonoan, kasama sina Senator Jinggoy Estrada dahil sa kasong plunder bunsod ng anomalya sa flood control project.
Sumuko si Bonoan at ang kapwa akusado nito sa CIDG sa Camp Crame subalit tumaas ang blood pressure ng dating Kalihim kaya minabuti na dalhin ito sa pagamutan.
















