-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Naghahanda na ngayon ang pulisya sa lalawigan ng Masbate para sa inaasahang pagdating ng labi ng napaslang na si Vice Mayor Charlie Yuson III.

Ayon kay Police Lt. Louis Olicia, hepe ng Batuan PNP sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, posibleng dumating ang labi ng bise alkalde sa lalawigan ngayong araw.

Humingi na rin umano sila ng augmentation upang tumulong sa pagbabantay sakaling magkaroon ng hindi inaasahang kaguluhan sa lugar.

Dagdag pa ng opisyal na pina-recall na rin ang lahat ng kapulisan sa Batuan at naka alerto na an mga ito sa pagdating ng labi ni Yuson.

Sa kabila nito, siniguro ni Olicia na normal naman ang sitwayson sa lalawigan at hindi naman nagkaroon ng negatibong epekto sa hanay ng PNP ang pagkakapaslang sa opisyal.

Maaalalang naiuwi na kahapon ng pamilya Yuson ang labi ng opisyal sa ancestral house nito sa Sampaloc, Maynila kung saan nagtungo pa ang ilan sa mga taga suporta nito mula sa island province.