-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Kinondena ng lokal na pamahalaan ng Tadian, Mt. Province ang kaso ng pagpaslang kay Tagudin, Ilocos Sur Regional Trial Court Judge Mario Marrero Bañez kamakailan.

Batay sa resolusyong ipinasa ng Sangguniang Bayan sa nakaraang special session nito, nagkasundo ang mga konsehal na kondenahin ang pagpatay kay Bañez na kanilang kababayan.

Ayon sa board members, hindi katanggap-tanggap para sa estadong mahigpit na nagpapatupad ng batas ang uri ng pamamaslang sa mga hukom.

Tila nawalan din daw ng huwarang modelo ang kanilang bayan.

Ngayong araw nakatakdang iuwi ang labi ni Bañez sa tahanan ng pamilya nito sa naturang lalawigan.

Kung maaalala, pinatay ang hukom habang nagmamaneho papuntang San Fernando, La Union.