Naiuwi na sa Baguio City ang bangkay ng dalawang sundalo mula sa apat na sundalo mula sa Cordillera na nasawi sa naganap na engkwentro sa Patikul Sulu kamakailan.
Nakilala ang mga ito na sina Army Corporal John Michael Manodom na mula sa Baguio City, at Army Corporal Jomar Ninalga na tubong Mt. Province.
Lumapag ang eroplanong C-295 ng Philippine Air Froce na lulan ang labi ng dalawang sundalo sa Loakan Airport Baguio City kaninang umaga.
Sa paglapag ng eroplano ay sinalubong ito ng mga pamilya ng dalawang sundalong nasawi.
Nagsagawa naman ang militar ng Arrival Cerenony sa pagdating ng mga labi ng mga sundalo.
Kaugnay nito, hinihintay pa ang impormasyon kung kailan ang pag-uwi ng mga labi nila Army CPL Rasul B Ao-As na mula sa Kalinga at ni Army PFC Benson Bongguic na tubo ng Apayao.