-- Advertisements --

Kinikilala na ng international weather agencies ang bagyong Kristine o Haishen bilang isang super typhoon, habang sa Pagasa ay nananatili ito sa typhoon category.

Ayon kay Pagasa weather specialist Benison Estareja, huli itong namataan sa layong 1,135 km sa silangan hilagang silangan ng extreme Northern Luzon.

Taglay na nito ang lakas ng hangin na 195 kph at may pagbugsong 240 kph.

Patungo ito sa pangkalahatang direksyon ng Southern Japan o pahilagang kanluran sa bilis na 20 kph.