-- Advertisements --
Kris in Bora

Tahimik pa si Kris Aquino kaugnay sa umano’y pag-isnab nito sa pre-trial ng kasong cyberlibel na kanyang inihain laban sa kapatid ng dating project manager nito na si Nicko Falcis.

Sa pinakabagong online post ni Kris, nasa Boracay ito kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby kung saan nagpahiwatig ito na napalitan na ng mga bagong alaala ang mga pangit niyang naging karanasan.

Una rito, hinamon ni Atty. Jesus Falcis ang dating presidential sister na magpakita sa korte partikular sa trial proper sa darating na September 18.

“If you have the guts to file cases against me, have the guts to show up. See you on September 18, first day of trial proper where you have to present yourself as witness and testify,” saad ng abogado kay Kris.

“For the 5th time, Kris Aquino was nowhere to be seen in the cyberlibel cases she filed against me for defending my brother Nicko against her drama,” dagdag nito.

Taong 2018 nang magsampa ng cyberlibel case ang tinaguriang Queen of All Media laban sa kapatid ng kanyang nakagiriang project manager matapos daw siyang akusahan sa social media bilang “liar,” “pa-victim” at “spoiled oligarch brat.”

Nabatid na kinasuhan din ni Kris ang kanyang dating business partner na si Nicko dahil sa umano’y personal na paggamit sa pondo ng kanyang production company.