Inaalam na ng Konsulada ng Pilipinas kung mayroong mga Pilipinong nadamay sa insidente ng pamamaril sa may subway station sa Bronx.
Kung saan isang indibidwal ang inisyal na napaulat na nasawi habang ang 5 iba pa ay sugatan matapos na magpaputok ng baril ang suspek sa Mount Eden Avenue Subway Station hapon ng Lunes sa kasagsagan ng rush hour, oras sa Amerika.
Subalit ayon kay Assistance to Nationals supervising officer Vice Consul Paolo Marco Mapula, hinsi sila nakatanggap ng reports na may nadamay na Pinoy.
Sa ngayon, hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng suspek sa pamamaril kung saan ayon sa New yrok Police department Transit chief nasa 2 kababihan at 4 na kalalakihan ang nagtamo ng tama ng baril.
Naglunsad na rin ng manhunt operation ang New york Police department para matunton ang suspek na responsable sa pamamaril.