-- Advertisements --

Bakas ang kasiyahan ni Johanna Ismael o mas kilala bilang si Kiray Celis sa piling ng kanyang bagong boyfriend.

Kasabay nito ay ang paggiit na virgin pa rin siya dahil choice raw niyang huwag munang “isuko” ang pagkababae.

Nabatid na nauwi sa hiwalayan ang tatlong taong relasyon nila ng unang nobyo, at ang kanyang bagong kasintahan ay kaibigan daw ng kapatid niyang lalaki.

Matagal na aniya silang magkakilala at kalaro pa niya ito sa isang online mobile game hanggang sa nahulog ang loob sa isa’t isa.

“Hindi naman porke’t mag-boyfriend kayo, ganoon na kayo. Hindi naman kailangan yun, e. Hindi naman lahat ng tao… hinihiling naman yun. Yung iba, marespeto talaga. Ayoko pa, e!” saad nito sa media.

Kung maaalala, ilang celebrities din ang pinag-usapan dahil sa pagmamalaki na virgin pa rin.

Tulad na lamang ng kontrobersyal na paghihiwalay nina Billy Crawford at Nikki Gil na sinasabing dahil sa isyu ng virginity na ayaw umanong “isuko” ng huli. Sina Crawford at Gil ay kapwa kasal na rin sa kani-kanilang “Mr. / Ms. Right.”

Maging si Iya Villania ay ibinunyag na siya ay virgin hanggang sa huling gabi bago ang kasal nila ng long-time boyfriend na si Drew Arellano.