-- Advertisements --

Umatras na sa Binibining Pilipinas 2026 si Ivy Reyes Padilla, na nakatakdang kumatawan sa lalawigan ng Misamis Oriental.

Sa isang pahayag, sinabi ng Binibining Pilipinas Organization na hindi na maipagpapatuloy ni Ivy ang kanyang paglahok dahil sa personal na dahilan.

Iginagalang at sinusuportahan umano ng organisasyon ang kanyang naging desisyon.

Hiniling din nila sa publiko na magpakita ng pag-unawa at respeto sa pinagdaraanan ni Ivy.

“On behalf of the entire Binibining Pilipinas Organization and the Binibining Pilipinas 2026 candidates, we wish Ivy strength, peace, and fulfillment. She will always have our support and a place she can call home,” ayon sa pahayag.

Dahil sa kanyang pag-atras, 35 kandidata na lamang ang maglalaban para sa korona ng Binibining Pilipinas 2026.

Gagawin ang National Costume Competition sa Hulyo 2, habang gaganapin naman ang Coronation Night sa Hulyo 18.