-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Top 1 ang Lungsod ng Kidapawan sa vaccination accomplishment sa buong SOCCSKSARGEN o Region 12.

Ito ay base sa pinakahuling Vaccination Coverage Report na inilabas ng Department of Health o DOH 12 na may petsang February 21, 2022.

Abot sa 108,418 ang bilang ng mga fully vaccinated sa Kidapawan City o katumbas ng 85 % mula sa target population/vaccinees na 128,244.

Top 2 ang Lungsod ng Tacurong City na may 66,404 fully vaccinated o 78.82% mula sa target population/vaccinee na 84,250 at

Top 3 ang bayan ng Polomolok na may 100,586 fully vaccinated mula sa target population/vaccinee na 136,668.

Resulta daw ito ng malawakang kampanya at ibayong pagsisikap ng City Government of Kidapawan para mabakunahan ang 70% o herd immunity ng lungsod, ayon kay Mayor Joseph A. Evangelista.

Matatandaang sinimulan ng City Government of Kidapawan ang vaccination roll-out nito noong Marso 2021 at nagtuloy-tuloy na ang magandang performance nito sa pagbabakuna ng mga eligible population.

Binigyang-diin din ni Mayor Evangelista na malaki ang nagawa ng vaccination laban sa Covid-19 at patunay rito ang mabilis at tuloy-tuloy na recovery ng mga tinamaan ng Covid-19 matapos na mild symptoms lamang ang naramdaman ng mga ito habang asymptomatic o walang sintomas naman ang iba.

Samantala, sa Lalawigan ng North Cotabato ay nabakunahan na ng abot sa 559,136 katao o katumbas ng 50.98% ng target vaccinees nito na 1,262,127.

Kaugnay nito, muling hinikayat ng alkalde ang mga mamamayan na magtiwala sa bakuna at samantalahin ang pagkakataong sila ay mabakunahan ng libre maging ito man ay first, second, o booster dose.

“Tuloy-tuloy na tayo sa Road to Recovery at ito ay makakaya natin sa pamamagitan ng bakuna at disiplina, at ang laging pagsunod sa minimum health standards” ayon sa alkalde.