Hati ang reaksyon ng mga fans ni KC Concepcion sa napapadalas na nitong paglagay ng “label” sa relasyon nila ng Fil-Am rapper na si apl.de.ap.
Ito’y matapos ipakilala ng 35-year-old Megastar daughter ang nasabing rapper sa kanyang cooking show bilang “very special guest” at kanya raw “great friend.”
Inilarawan pa ni KC o Cristina Cassandra sa tunay na buhay, ang 45-year-old Black Eyed Peas member na “very sweet and very thoughtful.”
May mga nakontento sa pahayag ni KC, ngunit may mga kumwestyon pa rin.
Sa panig kasi ni apl.de.ap o Allan Pineda sa tunay na buhay, hirit nito na mahalagang matuto rin magluto at ipatikim ito sa mga espesyal na tao sa ating buhay.
Nitong Setyembre nang unang tinawag ni KC si apl.de.ap bilang kanyang mabuting kaibigan matapos magpasalamat sa munting sorpresa na video ng idolong Colombian singer na si Shakira.