-- Advertisements --

Certified mommy na ang American singer na si Katy Perry.

Ito’y matapos isinilang na ng 35-year-old “Roar” hitmaker ang panganay nila ng Hollywood actor na si Orlando Bloom.

Idinaan nila sa website ng UNICEF ang kanilang joint statement kung saan bakas ang nag-uumapaw na kaligayan sa paglabas ng kanilang baby girl na pinanganalang Daisy Dove.

“We are floating with love and wonder from the safe and healthy arrival of our daughter,” saad ng mga ito.

Nabatid na kapwa UNICEF Goodwill Ambassadors ang mag-partner.

Ang 35-anyos na si Katy o Katheryn Elizabeth Hudson sa tunay na buhay, ay dating asawa ng aktor na si Russell Brand.