-- Advertisements --
Screenshot 2021 03 13 12 20 07

TACLOBAN CITY – Nakalagak na sa ngayon sa kanyang bahay sa Brgy. Trinidad Calbayog City ang katawan ng namatay na si Mayor Ronaldo Aquino.

Sa ngayon ay hiling ng pamilya Aquino na bigyan muna sila ng pribadong panahon sa kanilang pagluluksa sa pagkamatay ng alkalde bago isagawa ang public viewing nito.

Ayon kay Ronald Ricafort, tagapagsalita ng Calbayog City, isasagawa ang public viewing kay Mayor Aquino sa Calbayog City Sports Center sa darating na Marso 14 hanggang Marso 18 bago ang necrological program at misa sa Calbayog City Hall.

Ayon pa kay Ricafort, patuloy naman ang lahat ng operasyon at transaksyon sa City Hall ng Calbayog sa kabila ng nangyari at nakapag-assume na rin sa pwesto bilang bagong alkalde ng lungsos si dating Vice Mayor Diego Rivera.

Samantala, ayon naman kay Mark Aquino, panganay sa apat na anak ni Mayor Aquino, patuloy ang kanilang panawagan na mabigyan ng hustisya hindi lamang ang pagkamatay ng kanilang ama kundi pati na rin ang ilan pang mga indibidwal na nadawit sa insidente.