-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Ibinasura ni Acting City Prosecutor Celerino Reyes ng Tuguegarao City ang kasong kinakaharap ni ISELCO 2 General Manager David Solomon Siquian at ang nagpakamatay na si Board of Director Michael Paguirigan kaugnay sa pagpatay kay Internal Audit Manager Agnes Palce ng ISELCO 2.

Ang desisyon ay ipinalabas noong June 27, 2022.

Sina Siquian at Paguirigan ay dinawit ng mga sinampahan ng kasong murder na gunman na si Barry Bulan at pinsan na si Jervy Bulan kapwa residente ng Calamagui 1st, Lunsod ng Ilagan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni General Manager David Solomon Siquian ng ISELCO 2 na natanggap niya noong June 30, 2022 ang desisyon sa kanilang kinakaharap na kaso ni Paguirigan.

Sinabi niya na gumaan ang kanyang pakiramdam at nalinis na ang kanyang pangalan ngunit malungkot pa rin dahil sa pagpatay sa kanilang Internal Audit Manager.

Ayon kay Siquian na hindi niya alam kung ano ang motibo at idinawit siya ng magpinsan sa naturang krimen.

Nagtapos na anya ang kanyang isang buwang leave of absence noong ikatatlumpo ng Hunyo at KAHAPON ay dumalo na siya sa kanilang Board Meeting.

Sa pagbabalik niya sa trabaho bilang General Manager ay kakausapin niya ang kanyang mga Department Managers upang pag-usapan ang internal, institutional, technical at financial operations ng kooperatiba upang bumalik na sa normal regular work ang lahat ng mga kawani.

Kinumpirma ni General Manager Siquian na magkakaroon ng election sa mga Board of Directors na ihahayag sa mga susunod na araw.

Samantala, inihayag din niya na nagpapatuloy ang National Electrification Administration o NEA sa pagsasagawa ng Financial-Institutional-Technical Audit sa ISLECO 2

Ibinasura ni Acting City Prosecutor Celerino Reyes ang kaso dahil walang sumusuportang ebedensiya ang extrajudicial confession ng gunman na si Barry Bulan at pinsan nitong si Jervy Bulan na nagdadawit sa kanilang tiyuhin na si BOD Paguirigan at General Manager Siquian sa pagpatay kay Internal Audit Manager Palce.

Ang mga ebidensya laban sa mga respondents ay hindi sapat upang sila ay madiin.

Pangunahing anyang tuntunin ng ebidensya na ang nag-aakusang partido ay dapat patunayan ang kanyang affirmative allegation.

Ang partido na nag-aakusa ng affirmative fact ay may pasanin na patunayan ang kanilang salaysay laban kina Siquian at Pagurirogan at kung walang maipakitang ebedensiya ay maituturing ito na purong alegasyon at walang katotohanan.