-- Advertisements --

Nagpahiwatig ang rapper na si Kanye West na tatakbong muli sa paka-pangulo ng Amerika.

Ito’y matapos mabigo sa kanyang presidential bid ngayong taon pero nag-post ng “Kanye 2024,” dahilan upang lumikha ng ispekulasyon sa mga netizen.

Nabatid na unang beses nakiisa ng 43-year-old rapper sa US presidential elections kung saan nakasuot siya ng kulay asul na hoodie, at itim na face mask.

Ayon kay West, kanyang ibinoto ang tanging pinagkakatiwalaan na walang iba kundi ang kanyang sarili.

Kanye West 2

Kinunan pa niya ng video ang pagpasok niya ng balota sa voting machine.

Si West na asawa ng socialite na si Kim Kardashian ay vocal supporter ni US President Donald Trump. (USAToday)