ILOILO CITY- Nagkagirian ang kampo ni reelected Iloilo City Mayor Jerry Trenas at elected councilor Plaridel Nava sa isinagawang proclamation sa Jubilee hall sa lungsod ng Iloilo.
Ito ay matapos na nilapitan at itinulak ni elected City Councilor Plaridel Nava ang bodyguard ni Mayor Jerry Treñas at nakuhanan pa ng video ang nasabing pangyayari.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Nava, inamin nito ang pagtulak sa nasabing bodyguard ngunit sinabi ni Nava na nagawa niya ito dahil na-provoke siya ng mga bodyguards ng alkalde.
Aniya, sinadya umano ng mga bodguards na lumapit sa kanya kahit alam ng mga ito na pinagbabawal na pumasok sa loob ng venue ng proclamation ang mga bodyguards ng mga kandidato.
Samantala ikinalungkot naman ni Trenas ang nangyari.
Napag-alaman na matagal nang may alitan sa pagitan nina Trenas at Nava.