ILOILO CITY – Binasag na ng kampo ni dating San Dionisio, Iloilo Mayor Peter Paul Lopez ang kanilang katahimikan kaugnay sa kinakaharap na murder case ng kanyang pamilya dahil sa pagpatay sa negosyante na si Claire Diergos.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Dwight Trasadas, legal counsel ng alkalde, sinabi nito na natanggap na ng kanyang kliyente ang subpoena mula sa Iloilo Provincial Prosecutor’s Office.
Ayon kay Trasadas, maliban kay Lopez, nahaharap rin sa kasong murder ang misis ng alkalde na si Saliha Lopez na tumatakbong bise alkalde sa San Dionisio, Iloilo at mga anak nila na sina Carlos Paul, Felix Paul at Christian Paul na konsehal rin sa nasabing bayan.
Napag-alaman na si Trasadas rin ang tumatayong abogado ng bodyguard ng alkalde na si Raffy Sorioso.