-- Advertisements --
teachers

Ipasusuri ni Senador Sherwin Gatchalian ang nagpapatuloy na mga isyu sa pag-hire ng mga guro.

Ito ang naging pahayag ni Gatchalian sa pagtalakay ng panukalang budget ng Department of Education (DepEd) sa taong 2024.

Ayon sa DepEd, madalas inaabot ng anim na buwan ang proseso ng hiring kasama ang Civil Service Commission (CSC) at ang DBM.

Matatandaang ilang beses nang hinimok ni Gatchalian ang DepEd na pabilisin ang proseso sa pag-hire ng mga guro.

Batay sa datos mula sa Department of Budget and Management (DBM) nitong Pebrero 17, 2023, lumalabas na may 24,254 na unfilled teaching positions o kulang na mga guro, katumbas ng 3% ng 879,789 teaching positions sa DepEd.

Karamihan sa mga hindi napupunang posisyon ay mga entry-level positions tulad ng Teacher I, Special Science Teacher I, Special Education Teacher I, at Master Teacher I.

Iniulat din kamakailan ng Commission on Audit (COA) na bagama’t umabot sa 95% ng kabuuang P658.5 bilyon total adjustment allotments ng 2022 national budget ang nagastos ng DepEd, may hindi pa nagagamit na 32.6 bilyon ang ahensya.

Hindi nagalaw ang pondong ito dahil sa mga hindi napupunang teaching positions, pati na rin ang mga delayed, partial, at hindi naipapatupad na mga programa, aktibidad, at proyekto ng ahensya.

Giit ni Gatchalian, hindi katanggap-tanggap na may mga silid-aralan ang bansa na kulang sa mga guro, lalo na’t may available position naman at pondo para sa mga gurong ito.

Top