Umpisa pa lamang ng 2026, agad ng nagmarka ang K-Pop Demon Hunters sa industriya matapos ang kanilang hit na kanta na “Golden” na manalo ng 83rd Golden Globe Awards para sa Best Original Song – Motion Picture noong Linggo (araw sa Amerika).
Ang pagkapanalo ay kasunod ng tagumpay nito sa Critics Choice Awards noong nakaraang linggo.
Si EJAE, ang singer-songwriter na nagbigay-boses kay Rumi sa pelikula, ay nagbigay ng emosyonal na acceptance speech na nagbalik-tanaw sa kanyang sampung taong sapalaran sa K-pop industry.
Kwento niya nagsimula siyang mag-training bilang K-pop idol sa edad na 10, ngunit hindi siya napili na mag-debut bilang miyembro ng grupo o solo artist. Sa huli, nag-shift siya sa songwriting — isang landas na nagdala sa kanya sa tagumpay sa K-Pop Demon Hunters.
“As a little girl I worked tirelessly for ten years to fulfill a dream, to become a K-pop idol, and I was rejected and disappointed that my voice wasn’t good enough,” ani EJAE.
“I leaned on songs and music to get through it, so now I am here as a singer and songwriter.”
Tinapos niya ang kanyang speech sa isang mensahe ng determinasyon: “I just want to say this award goes to people who have had doors closed on them, and I can confidently say rejection is redirection. So never give up. It is never too late to shine like you were born to be.”
Sa magkakasunod na pagkapanalo sa unang dalawang linggo ng taon, lumalabas na ang “Golden” sa mga pinaka-defining na kanta ng season, habang si EJAE ay unti-unti nang nakikilala bilang isang rising star sa parehong K-pop at international music scene.











