Ayaw na umanong magkamali ni Julia Barretto pagdating sa pakikipagrelasyon.
Paliwanag ito ng 23-year old actress kasunod ng pag-amin sa unang pagkakataon na siya ay “in love” uli ngunit sikreto kung kanino.
Ayon kay Barretto, na-trauma siya noong isapubliko ang mga romantic relationship kung saan tila alam ng mga kritiko ang buong pangyayari kung makahusga sa breakup.
Dahil dito, kanyang natutunan na kontrolado niya ang magiging takbo ng buhay pag-ibig para na rin sa privacy.
“I think nobody understands the kind of trauma of having a relationship so public, and then also have a lot of people see when your relationship fails. Like it’s so traumatizing for me because I genuinely cared about this guy, I genuinely loved this guy, and then I shared so much that when we broke up, they thought they knew the whole story,” saad ng anak ng estranged celebrity couple na sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla sa Mega Entertainment.
“So one of the things I made myself confident in when it comes to my personal relationships is that, I’m in control. I am in total control of how much I am only willing to share and how much I am only allowing people to know. I’ve already come to realize how important it is to protect your peace and privacy—and that both go well together,” dagdag nito.
Wala namang binanggit na pangalan si Julia, pero isa sa mga ex-boyfriend nito ay ang naka-love team na si Joshua Garcia.
Kamakailan lang nang kumalat ang fake news na umano’y nabuntis si Julia ng nali-link sa kanya na si Gerald Anderson.
Nasundan ito ng pag-promote ng young actress sa resort ng 31-year-old actor sa Zambales.
Bago kay Barretto, kasintahan ni Anderson si Bea Alonzo.