-- Advertisements --

Ipinagdiriawang ngayon ng Aktor na si Joross Gamboa, ang kanyang bagong achievement matapos makapagtapos sa kanyang kursong AB in Biblical studies sa Global Life University.

Sa kanyang social media makikitang ibinahagi ng aktor ang mga larawan suot ang itim na toga at pagdalo ng kanyang asawang si Katz Gamboa.

“Thank you Lord. All glory to God,” ani Gamboa sa kanyang caption.

 Screenshot from Instagram/@joross_gamboa

Samantala umani naman ng pagbati mula sa mga tagasuporta at kapwa artista ang aktor, kabilang sina Edgar Allan Guzman, Dennis Trillo, Shaira Diaz, Yasmien Kurdi, Juancho Triviño, at Allen Dizon.

Maalalang kilala si Joross sa kanyang mga papel sa mga matagumpay na pelikula tulad ng “Hello, Love, Goodbye,” “Hello, Love, Again,” “Rewind,” at “The Hows of Us,” dahilan upang bansagan siyang “Box Office Lucky Charm.” Gayunman, aniya, ang mga ito ay biyaya lamang sa kanyang karera.

Lumabas din siya sa mga pelikulang “A Very Special Love,” “You Changed My Life,” at “It Takes a Man and a Woman” kasama sina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz.