Mismong si Jolo Revilla na ang nagkumpirma na papasukin na nito ang buhay may-asawa.
Ayon sa 31-year-old actor/politician, excited na itong dumating ang December dahil gusto nang makasama palagi ang kasintahang si Angelica Alita.
“I can’t last a day without you. Can’t wait until December!” ani Revilla.
Unang pahayag ito ni Jolo kasunod ng paglabas ng report na nakatakada silang ikasal sa Pelican Hill, Newport Beach sa California.
Ang wife to be ni Jolo ay naging runner-up noong 2016 Binibining Pilipinas at sinasabing isa ring pastry chef.
Ka-batch ng ngayo’y 23-year-old beauty queen/chef sina Maxine Medina (Bb. Phl-Universe) at Kylie Verzosa (Bb. Phl-International).
Bago kay Alita, galing si Revilla sa walong taon na on-off relationship sa aktres na si Jodi Sta. Maria.
Habang ang beauty queen naman ay ex-girlfriend ng anak ni Sen. Grace Poe na si Brian.