-- Advertisements --
Tanggal na sa listahan ng The Rig bantamweight ranking si dating three-division champion John Riel Casimero.
Itinuturong dahilan kasi ang matagal na niyang hindi pagiging aktibo sa boxing.
Huling lumaban ito ng Agosto 2021 kung saan nagwagi ito sa pamamagitan ng split decision laban kay Guillermo Rigondeaux.
Mayroong record ito na 31 panalo at apat na talo na mayroong 21 knockouts.
Noong Disyembre sana ay makakaharap nito si Paul Butler subalit hindi natuloy matapos na tamaa ng gastritis ang Filipino boxer.
Nitong Abril naman ay hindi rin natuloy matapos ang paglabag niya sa British Boxing Board of Control dahil sa paggamit ng sauna para mabawasan ang timbang nito.