-- Advertisements --

Idinaan sa biro ng international singer na si John legend ang pagkakatanghal sa aktor na si Michael B. Jordan bilang kapalit niya sa pagiging “sexiest man alive” ng People’s magazine.

Ayon sa “All of Me” hitmaker, sa wakas ay hindi na siya mapi-pressure sa kanyang “quarantine weight” o yaong pagtaba sa panahon ng quarantine dahil wala nang pinanghahawakang title.

“I can now keep gaining this quarantine weight in peace without the pressure of a title to maintain,” ani Legend.

Nabatid na ang 33-year-old actor ang pangatlong Black American na napili sa tatlong magkakasunod na taon.

Si Michael B. Jordan ay naging kontrabida sa pelikulang “Black Panther” na pinagbidahan ng pumanaw na si Chadwick Boseman. (OMG)