Kasal na ang beteranong aktor na si Jim Carrey sa kanyang girlfriend na si Min Ah. Ito ay matapos kumpirmahin ng tagapagsalita ni Carrey na ikinasal ang dalawa sa isang pribadong seremonya sa Los Angeles noong Setyembre.
Hindi pa nagbabahagi ng mga larawan mula sa kanilang kasal ang married couple at hindi rin naglabas ng iba pang detalye tungkol sa pribadong seremonya.
Matagal nang pinananatiling pribado nina Jim at Min Ah ang kanilang relasyon at bihira rin nila itong ibahagi sa publiko.
Unang nagkaroon ng public official ang dalawa sa César Awards sa Paris noong Pebrero ngayong taon, kung saan nakatanggap si Jim Carrey ng kanyang honorary César Award.
Ito na ang ikatlong pagkakataon na ikinasal si Jim Carrey.
Una niyang pinakasalan si Melissa Womer, na naging ina ng kanyang anak na si Jane Erin Carrey. Ikinasal sila noong 1987 at naghiwalay noong 1995.
Kalaunan, pinakasalan niya ang kanyang co-star sa Dumb and Dumber na si Lauren Holly noong 1996. Ngunit nauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama makalipas lamang ang isang taon.












