-- Advertisements --
Jessy RIP RicoJ 2

Mariing pinabulaanan ni Jessy Mendiola na siya ang nag-upload ng viral o kumalat niyang larawan na naka-swimsuit kalakip ang malisosyong caption.

Ang nasabing larawan ay tila in-upload sa tinatawag na IG stories ng 27-year-old actress kung saan may caption ito na “RIP RICO J. PUNO.”

Mismong si Mendiola rin ang nakiusap na tigilan na ang pagpapakalat ng naturang picture na aniya’y peke at nakakabastos para sa yumaong music icon.

Taong 2018 nang pumanaw si Rico J Puno sa edad na 65 dahil sa cardiac arrest.

Sa kabila ng pangtitrip ng mga kritiko, hindi naman ito nagsilbing haldang sa kasintahan ni Luis Manzano para manawagan ng tulong para sa mga biktima ng nagdaang sunud-sunod na bagyo.