-- Advertisements --
Hangad ni Jessa Zaragoza na agad makarekober sa pinagdaanang surgery sa kanyang daliri.
Ayon sa “Bakit Pa” singer, matagumpay naman ang operasyon sa kanyang medical condition na trigger thumb pero hindi pa ito masyadong makakilos nang normal.
Paliwanag ng American Academy of Orthapaedic Surgeons, ang trigger thumb ay nagdudulot ng kirot, pamamanhid, at ‘yaong nagla-lock kapag nabi-bend ang daliri.
“Looking forward to a swift recovery. So I can use my hand again, like I could before, normally, without pain,” saad ng 40-year-old singer-actress.