Bumuhos ang pagbati sa Pinoy boxer na si Jerwin Ancajas matapos talunin si Wilner Soto ng Colombia sa Minneapolis, Minnesota.
Sa simula pa lamang ng laban ay ibinuhos na ng Pinoy boxer ang kaniyang lakas at pinaulanan ng suntok si Soto sa kaniyang unang laban sa super bantamweight division.
Itinigil na ng referee ang laban sa loob ng ika-limang round ng makitang hindi na kaya ng Colombian boxer na lumaban pa.
Ang 31-anyos na si Ancajas ay mayroong record na na 34 panalo, tatlong talo at dalaang draw na mayroong 23 knockouts habang si Soto ay mayroong 22 panalo, 13 talo namayroong 12 knockouts.
Target ni Ancajas na isunod na makaharap si WBA bantamweight champion Takuma Inoue na mayroong 18 panalo isang talo at apat na knockouts.
Kailangan ng Pinoy boxer na magbawas ng timbang ng 118 pounds para makaharap ang nakakabatang kapatid ng top pound-for-pound boxer na si Naoya Inoue.