-- Advertisements --

Bumawi sa kanyang laro ang nagbabalik na si Rudy Gobert nang magpakita ng double-double performance gamit ang 18 points at 19 rebounds para talunin ng Utah Jazz ang Denver Nuggets, 125-102.

Inabot din ng limang games na hindi nakalaro si Gobert dahil sa pagiging positibo sa COVID-19.

Malaking tulong din ang ginawa ni Donovan Mitchell na nagbuhos ng 31 pounts para tuldukan ang apat na talo. 

Sa ngayon 29-14 na ang record ng Jazz habang natigil sa 22-20 record ang Nuggets. 

Samantala na sayang ang ginawa ng reigning MVP na si Nikola Jokoc na nagposte ng 25 points, 15 rebounds at 14 assist para sa Denver.