-- Advertisements --
Magkatuwang na ngayong ang Japan Embassy to the Philippines at ang World Food Program sa pagsasagawa ng mga feeding program sa mga batang estudyante sa Mindanao.
Ito ang kinumpirma ng mga kinatawan ng gobyerno ng Pilipinas.
Partikular sa mga ipinapamahaging pagkain ay mga masustansyang pagkain para sa mga bata na nakatira sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ang school meal program ay pinatutupad sa mga target na munisipyo sa BARMM.
Dito ay inaasahang mabibiyaan nito ang aabot sa 10,000 na mga estudyante.
Samantala, nakikipag-ugnayan din ang Japan Embassy to the Philippines at ang World Food Program (WFP) sa mga magsasaka sa rehiyon para sa pagpapalakas ng food security sa BARMM.