-- Advertisements --
Bakas ang determinasyon ni Iza Calzado sa kanyang “road to full recovery,” ilang buwan matapos malampasan ang Coronavirus Disease (COVID).
Ito’y matapos sumabak muli sa fitness buff ang 38-year-old actress partikular sa gymnastic rings, suot ang kulay itim na sports bra at leggings.
Nabatid na isa si Iza o Maria Izadora sa tunay na buhay, sa mga naunang high profile celebrity cases ng COVID sa bansa.
Una siyang tinamaan ng pneumonia hanggang sa magpositibo sa deadly virus, bagay na kanya raw nalabanan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng “good mindset.”