Inamin ni Lea Salonga na naimbitahan siya na makiisa sa pormal na pagbubukas ng Southeast Asian (SEA) Games sa darating na Sabado, November 30.
Ito’y matapos tila magkaroon ng debate sa online world kasunod ng report na hindi na siya makakadalo sa nasabing event.
Ayon sa Pinay Broadway superstar, ito ay dahil nai-record na niya ang official theme song at nai-shoot na rin ang music video.
Gayunman, magalang niya itong tinanggihan dahil nauna sa kanyang commitment ang isang musical at katunayan ay bumiyahe na pa-Singapore ngayong araw.
Sadyang marami lang aniyang nag-akala na sa kanyang presensya sa SEA Games opening kahit wala namang nangyaring anunsyo.
Sa kabila ng mga isyu, hangad daw nito sa mga celebrity at atleta na may partisipasyon sa opening ceremony na mag-enjoy.