Sinuguro ngayon ng Department of Agriculture (DA) na sapat at tatagal pa ng mahigit dalawang buwan ang supply ng bigas sa buong bansa kasabay na rin ng enhanced community quarantine sa Luzon para mapigilan ang pagkalat pa ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, ngayong buwan ay mayroon pang supply sa Metro Manila at buong bansa na tatagal nang hanggang 75 araw.
Ang bigas na may total rice inventory ng 2.661 million metric tons (MT) ay kilabibilangan ng commercial, household at government stocks.
Sa ngayon, partkular daw na priority ng DA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at LGUs sa kanilang stocks na bigas para maisama ito sa food packs na ibibigay naman sa mga mamamayan na naka-home quarantine.
Sa bahagi ng National Food Authority (NFA) sinabi ni Administrator Judy Carol Dansal na sa ngayon ay mayroon silang inventory ng 9.636 million bags o 481,800 MT.
Puwede nitong suplayan ng 14 days ang buong kapuluan.










