Inilabas ng gobyerno ng Israel ang mga kuhang larawan ng mga bata at sibilyang pinaslang ng militanteng grupong Hamas.
Ipinakita ito kay US Secretary of State Antony Blinken at sa North Atlantic Treaty Organization (NATO) defense ministers upang makakuha ng suporta para sa magiging tugon nito.
Naglabas din ang opisina ni Prime Minister Benjamin Netanyahu sa social media ng larawan napatay na sanggol na duguan at nasunog na labi ng mga bata.
Ang paglalabas ng mga larawan ng mga opisyal ng Israel sa mga biktimang bata ay bahagi ng kanilang pagsisikap na makakalap ng suporta at makonden ang brutal na pagpatay ng mga militanteng Hamas.
Nangako naman si Netanyahu na kanilang pupuksain ang Hamas kasundo ng deadly assault sa mga komunidad sa Israel simula noong Sabado na kumitil na sa mahigit 1,500 katao na itinuturing na deadliest na pag-atake ng militanteng Palestinian simula na ang Israel noong 1948.