-- Advertisements --

Nanindigan ang Israel Defense Forces na hindi magbabago ang kanilang stratehiya sa mga Hamas matapos na maglabas ng desisyon ang United Nations International Criminal Justice.

Sa inilabas na desisyon ng UN ICJ ay hindi na nito hiniling ang agarang ceasefire sa Israel sa paglaban sa Hamas at sa halip ay pinayuhan na lamang nila ang Israel na iwasan na lamang na makagawa ng genocide.

Inireklamo kasi ng South Africa ang Israel ng genocide sa UN International Criminal Court dahil sa maraming mga sibilyan ang nadamay noong paigtingin ang laban sa Hamas na nasa Gaza.

Sinuportahan naman ito ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang naging desisyon ng United Nations at sinabing ipagpapatuloy nila ang pagdepensa ng kanilang bansa.

Nanawagan na lamang si South African President Cyril Ramaphosa na irespeto ang ICJ ruling.

Ipinag-utos naman ni Judge Joan Donoghue, President of the International Court of Justice na dapat magbigay ng report ang Israel kada buwan sa mga operasyon nila sa Gaza.

Maging bukas din dapat ito sa fact-finding committee na susuri sa mga ebidensiya laban sa Hamas.