Nanindigan ang Iran-backed proxy group na Al-Nujaba, nag-ooperate sa Iraq na itutuloy pa rin nila ang pag-atake sa mga sundalo ng US.
Ayon kay Akram Al-Kaabi ang lider ng grupo na hindi sila titigil hanggang tuluyang umalis ang mga US forces sa Iraq at tumigil na rin ang operasyon ng Israel sa Gaza.
Hindi sila tatalima sa naging desisyon ng Kataib Hezbollah, ang pinakamalakas na Iranian proxy sa Iraq na nagsabing ititigil na nila ang operasyon laban sa US forces na nasa rehiyon.
Dagdag pa ng Al-Kaabi lider, na nasa ilalim ng Specially Designated Global Terrorists (SDGTs) ay hindi sila natatakot sa anumang banta ng US.
Handa aniya nilang harapin ang pagganti ng US matapos ang ginawa nilang pag-atake sa US outpost sa Jordan na ikinasawi ng 3 sundalo ng Amerika.