-- Advertisements --
Ipinasa na ng Philippine Competition Commission (PCC) sa Department of Justice (DOJ) ang paunang resulta ng imbestigasyon sa umano’y minanipulang bidding sa flood control projects ng DPWH 1st District Engineering Office sa Bulacan.
Ayon sa komisyon, may ebidensiya na nagkasundo ang ilang contractor para manipulahin ang bidding sa pamamagitan ng pagtatalaga ng panalo at talong bidder.
Ilang opisyal ng DPWH ang umano’y tumulong para maisakatuparan ang sabwatan.
Susuriin ng DOJ ang referral upang magpasya kung kailangan ng karagdagang case build-up o dapat nang simulan ang preliminary investigation.
















