-- Advertisements --

Kinumpirma ni CDC director Dr. Rochelle Walensky na ang mga fully vaccinated na indibidwal sa Amerika ay maaaring magsagawa ng indoor at outdoor activities kahit walang suot na facemask.

Sa ginanap na White House COVID-19 briefing sinabi ni Walensky, pinapayagan din ang walang physical distancing, basta dalawang linggo matapos matanggap ang final dose.

Sinusuportahan umano ng siyensiya ang naging batayan ng CDC base sa tatlong pag-aaral na isinagawa mula sa Israel at United States.

Binigyang diin naman ng opisyal ang mga hindi nabakunahan ay kailangan pa ring magsuot ng face mask dahil maaaring madapuan ng mild o severe illness na dulot ng virus o makahawa sa iba.