Dumating na sa Pilipinas ang inang overseas Filipino workers ng biktimang nasawi sa hazing na si Ahldryn Bravante.
Dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 dakong 11:07 am lulan ng isang flight mula Oman ang ina ng biktima na si Cherryl Bravante at inasistihan ng staff mula sa Overseas Worker Welfare Administration (OWWA).
Ayon kay Cherryl Bravante, sisiguraduhin niyang mapaparusahan lahat ng mga miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity na sangkot sa initiation na ikinasawi ng kaniyang anak upang makamit ang hustisiya.
Aniya, ilang buwan pa lamang din ang nakakalipas nang mamatay ang kaniyang isa pang anak at nakatatandang kapatid ni Ahldryn dahil sa aksidente.
Una ng iniulat ng QCPF na sumailalim sa initiation rites ang graduating student na si Ahldryn Bravante mula sa kaniyang fraternity na Tau Gamma Phi na isinagawa sa isang abandonadong bahay sa QC noong Oktubre 16.
Matapos ang initiation nawalan ng malay ang biktima kayat isinugod ito sa isang pagamutan sa Maynila subalit idineklaranag dead on arrival.
Base sa imbestigasyon, nagtamo ng mga galos mula sa 60 paddles sa kaniyang katawan at crigarrete burns ang biktima