-- Advertisements --

Pinag-iingat ng Consul General of the Philippines sa Geneva ang mga Pilipino na nagnanais na makahanap ng trabaho sa Euopa.

Dahil mayroong isang recruitment company na nanloloko sa mga Pilipino kayat babala ng Consul general na huwag papabiktima sa naturang bogus scheme.

Sa isang statement, ibinunyag ng Consul na nakatanggap ito ng report na isang Filipino recruiter na nag-ooperate ng recruitment companies ang umano’y sangkot sa mga iligal na aktibidad na nag-aalok sa mga Pinoy ng trabaho sa Europe kapalit ng 500-2,000 euros o katumbas ng P30,000 hanggang P120,000.

May ilang pagkakataon pa aniya na ginagawa ng foreign nationals ang recruitment activities sa pakikipagkuntsaba sa Filipino recruiter.

Ibinabala din ng opisyal na ang naturang mga iligal na gawain ay katumbas ng illegal recruitment at trafficking in persons na may angkop na kaparusahan salig sa batas.

Inihayag naman ng konsulada na seryosong tinutugunan ng gobyerno ng PH ang naturang usapin at gumagawa na ng mga hakbang para matugunan ito.

Hinimok din nito ang mga nabibiktima ng bogus scheme na dumulog at maghain ng reklamo laban sa mga nasa likod ng iligal na gawain.