-- Advertisements --

Nagtalaga si United Nations Secretary General Antonio Guterres ng grupo para magsagawa ng hiwalay na pag-aaral sa United Nations Relief and Works Agency for Palestine Refugees (UNRWA).

Ang nasabing pangunahing UN agency sa Gaza na nagbibigay ng humanitarian assistance sa Palestino ay inakusahan ang ilang mga miyembro nila na sangkot umano sa pakikipagsabwatan sa mga Hamas militants ng atakihin nila ang Israel noong Oktubre 7.

Magsisimula ang imbestigasyon sa darating na Pebrero 14 kasama nila sa pag-iimbestiga ang UN Office of Internal Oversight Services (OIOS).

Pamumunuan ni dating minister of Foreign Affairs ng France na si Catherine Colonna ang imbestigasyon.