-- Advertisements --

ILOILO CITY — Magbibigay ang Iloilo City government ng COVID-19 vaccines sa metro Iloilo towns at lalawigan ng Guimaras.

Nasa 2,000 doses ang ipamimigay sa mga bayan ng Leganes, Oton, Pavia, San Miguel, Sta. Barbara, at Cabatuan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na patuloy ang pagpasok ng bakuna sa lungsod kaya’t napagdesisyonan nito na ibahagi sa ibang mga bayan upang makatulong sa pag-abot ng herd immunity.

Ayon kay Trenas, ang lahat ng mga ospital at dialysis centers lungsod ang bibigyan din ng 100 doses nga bakuna upang mabakunahan na din ang mga pasyente.

Maliban dito, sinabi din ng alkalde na bukas pa rin sa lahat ang vaccination sites ng lungsod — ibig sabihin hindi lang mga residnete ng Iloilo City ang makaka-avail ng bakuna kundi pati na rin ang mga non-residents ng lungsod.