-- Advertisements --

Tumaas ang presyo ng ilan sa mga Noche Buena items ngayong 2021, ayon sa presidente ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association Inc. na si Steven Cua.

Ayon kay Cua, ang nagpapataas sa presyo ay ang supply at demand distribution.

Mayroon aniyang mga supplier na nagtaas ng presyo sa pasta, spaghetti packs, kape, manok at hamon.

Pero wala naman aniyang naitalang pagtaas sa mga de lata.

Sinabi ni Cua na sa harap ng COVID-19 pandemic, mas maraming tao sa ngayon ang namimili sa mga mall.

Pabugso-bugso naman aniya ang dami ng mga taong namimili sa mga supermarkets.