-- Advertisements --
NBI DAGUPAN

Nagpahayang ng kahandaan ang ilang ahente ng National Bureau of Intestigation (NBI) na sinampahan ng patong-patong na kaso ng ina ng dalawang indibidwal na nadawit sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Pero ayon sa NBI, hindi pa raw nila natatanggap ang kopya ng naturang reklamo.

Handa naman daw ang mga NBI agents na sagutin ang mga alegasyon sa pamamagitan ng legal procedure sa proper forum.

Patuloy naman umanong ipatutupad ng NBI ang kanilang mandato na magbigay ng magandang kalidad na serbisyo sa publiko.

Una rito, nagsampa si Joye Manio ng criminal at administrative cases laban sa siyam na agents ng National Bureau of Investigation dahil umano sa pangto-torture ng mga ito sa kanyang dalawang anak.

Nagsampa si Manio sa Ombudsman ng kasong sexual assault, planting of evidence, domicile, torture, graft, grave coercion, grave misconduct, serious dishonesty, oppression, conduct prejudicial to the best interest of the service at sexual assault laban sa mga ahente ng NBI.

Kabilang sa mga respondents sina NBI Task Force Against Illegal Drugs (NBI-TFAID) member Ross Jonathan Galicia, Eduardo Ramos Jr., Levi Omar Orille, Aubren Cosidon, Eigelbert Pulan, Abner Dotimas, Nestor Gutierrez, Allan Ernesto Elefante at Gary Menez.

Sa 12 pahinang reklamo, sinabi ni Manio na ang kanyang anak na sina Nicasio at Nicholes ay kinuha raw ng NBI Task Force Against Illegal Drugs noong June 2021 at pinagmalupitan habang sila ang nakaditine.

Nakuwento raw mismo ng kanyang mga anak kung paano sila tinorture ng mga operatiba ng NBI.

Nagigising na lamang daw ang kanyang mga anak sa tulog matapos silang sipain, suntukin at paluin ng barrel ng rifle.

Dagdag ni Manio, pinilit din umano ang kanyan mga anak ng NBI Task Force Against Illegal Drugs para pumirma sa 14 pahinang affidavit.

Nais din ni Manio na masunspindi ang lahat ng mga respondents sa kanilang mga serbisyo.

Pero sa inilabas na statement, naniniwala raw ang NBI na ang paghahain ng kaso ay may kaugnayan sa pagsasampa ng NBI Task Force Against Illegal Drugs ng tatlong kaso laban sa mga anak ni Manio.