-- Advertisements --
SEC and Senate
Senate and secretary

(Update) Nagpasya ang dalawang senador at dalawang kalihim ng bansa na sumailalim sa self-quarantine matapos na makasalamuha nila ang taong nagpositibo sa coronavirus disease.

Sa naging pahayag nina Senator Sherwin Gatchalian at Senator Nancy Binay, kailangan nila itong gawin matapos na makasalamuha nila ang taong nagpositibo sa COVID-19 na kanilang inimbitahan bilang resource person noong March 5.

Nakaharap at nakamayan pa raw ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III ang isang tao na nagpositibo rin sa virus.

Kahit na wala itong naramdaman ay minabuti niyang sumailalim sa quarantine bilang pagsunod sa protocol na ipinapatupad ng Department of Health.

Kinumpirma naman ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Goddes Libiran na nakasalamuha din ni Secretary Arthur Tugade ang taong nagpositibo rin sa virus noong March 5 sa isang event sa NLEX Harbor link event.

Bukod sa mga opisyal ay nagpasya na rin si Manila City Mayor Isko Moreno na mag-self quarantine matapos na ito ay bumiyahe sa United Kingdom.