
Nakapagtala ng kabuuang walong fireworks at firecrackers related injuries ang Tondo Medical Center sa pagdiriwang at pagpasok ng Bagong Taon.
Sa datos ng Department of Health na mga bilang ng kaso ng naputukan, isa ang Tondo Medical Center na aabot sa halos sampu ang mga biktima.
Ayon kay Dr. Ryan Ray Villamayor, General Surgeon ng Tondo Medical Center, mula December 31 hanggang January 1 ng umaga ay may mga pasyente nang itinatakbo sa emergency dahil sa insidente ng naputukan ang bahagi ng kanilang katawan
May kabuuang walo ang napaulat na bilang ng mga insidenteng naputukan sa nasabing ospital na kung saan, pito sa mga ito ay itinakbo sa loob lang ng magdamag noong December 31.
Dagdag dito, karamihan pa sa mga naging biktima ng paputok ay mga kabataan na may edad na 17-anyos pataas.
Kaugnay niyan, nakapagtala din ang naturang ospital ng iba pang mga insidente bago sumapit ang bagong taon.
Kung matatandaan, iniulat lamang ng Department of Health ang 40 fireworks-related injuries mula noong December 21 hanggang December 31 ng parehong panahon noong taong 2021.
Wala naman umano ang naiulat na kaso dahil sa stray bullet injury sa pagdiriwang ng bagong taon sa ating bansa.
Una na rito, ngayon na lamang kasi muling nagbalik ang pagluluwag ng COVID19 restrictions matapos ang dalawang taong lockdown na dulot ng COVID-19 pandemic.










