-- Advertisements --

Nilinaw ng Pagasa na walang bagyo o low pressure area (LPA) sa Metro Manila o kahit sa alinmang bahagi ng Pilipinas.

Ayon kay Pagasa forecaster Raymond Ordinario, thunderstorm lamang ang naranasan sa kalakhang Maynila nitong hapon at mabilis ding natapos.

Pero dahil sa nasabing ulan, ilang lugar ang nakaranas ng pagbaha.

Dahil dito, bumigat ang daloy ng trapiko sa ilang lansangan, lalo na sa low lying areas.

Partikular na nakapagtala ng baha sa Balintawak area, elliptical road, Brgy. Katipunan at Brgy. San Antonio sa Quezon City.

Maging ang mga nag-rally sa University of the Philippines (UP) Diliman ay inabot din ng biglaang buhos ng ulan.

Sinabi ng Pagasa na regular itong mangyayari tuwing hapon at gabi kaya ugaliin na ang pagdadala ng panangga sa ulan.