-- Advertisements --

NAGA CITY- Ginunita sa lungsod ng Naga ang ika-126 na anibersaryo nang kamatayan ng 15 martir na Bicolano ang Quince Martires.

Ang mga martir na Bikolano ang dinakip noong Septyembre 16, 1896 at ihinabla sa kasong rebelyon.

Sila ang mga itinutring na local heroe dahil namatay ang mga ito sa malalang pasakit ng mga Kastila dahil sa akusasyon na mga mga rebelde at kasama sa mga rebolusyonaryo na nagnanais pabagsakin ang pamahalaang Kastila.

Bilang pag-alala naman sa kanila, ipinatayo ang bantayog sa Plaza Quince Martires sa lungsod nang Naga.

Samantala, kaugnay nito, sa naging kapahayagan ni Naga City Mayor Nelson Legacion, binigyan-diin nito ang kanilang paninindigan para sa kalayaan ng bansa.

Dagdag pa ng alkalde, dapat umano na maging salamin nang bawat isa ang ginawang sakripisyo nang mga local heroes at huwag magpadala sa mga hamon nang buhay dahil ito umano ang hindi kontrolado nang lahat.

Ayon pa sa opisyal, kailangan na malagpasan pa ang mga limitasyon sa pamamagitan nang determinasyon at ano man na porma nang innovation.

Kasabay nito, sinabi ni Legacion na matagal na man umano itong napatunayan ng lungsod nang Naga kung saan maraming mga problema ang nalagpasan sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon.

Sa ngunyan, umaasa na lamang ang opisyal na ang sakripisyo ng 15 martir ang patuloy na magdala nang inspirasyon papunta sa kabutihan.